We all know that the CHACHA is not impossible to happen, because majority of the Congress are PNOY allies. So now as the citizen of this country and for being boss of his(PNOY), do you agree to give him another term or not?.
Base on my experience and survey he is not suitable for the another term. And i know 6 years is not enough to change this country, it takes time for the better future. But for PNOY it is enough already its better to give chance to others don`t be greedy let the people decides not you nor your allies. We are also entitled to choose and to decides if we are still willing to give you another term or not.
ANO BA ANG CHACHA?
Ang Charter Change, o ChaCha, ay ang pag-amyenda o pagbago sa mga probisyon o nilalaman ng Konstitusyon, ang pinaka-mataas na ‘batas’ sa Pilipinas. Bagamat hindi ito nasusunod parati sa totoong buhay, ang Konstitusyon o Saligang Batas ang ginagamit na pamantayan kung ang isang batas na ipinasa ng Kongreso at Senado, o ang isang hakbang ng Pangulo, ay ligal o iligal.
Mula ng sakupin tayo ng U.S, naka-tatlong Saligang Batas na ang Pilipinas. Ang kasalukuyan, ang Konstitusyon ng 1987, ay may ilang probisyon na impluwensyado ng kilusang kontra-Marcos na nagluklok sa gobyerno ni Cory Aquino. Subalit ang mga probisyon na ito, tulad ng paglagay ng limitasyon sa pag-aari ng dayuhan sa ating pambansang patrimonya, at pagbawal sa dayuhang sundalo, ay kadalasan rin namang nilalabag o nilulusutan ng mismong gobyerno.
Pero hindi kuntento ang naghaharing uri na halos hindi ipatupad ang mga relatibong progresibong mga probisyon ng Saligang Batas. Lagi sila nagsusumikap na isulong ang pag-amyenda ng Konstitusyon at gawing ligal ang pinaka-masahol na mga porma ng pananamantala ng dayuhan at iilan sa mamamayang Pilipino.
Sa ilalim ng administrasyong Ramos na kasunod lamang ng administrasyon ni Cory Aquino, tinangkang magkaroon ng Charter Change sa pamamagitan ng ‘PIRMA’. Sa ilalim naman ng administrasyong Estrada ipinangalan itong ‘ConCord’. Muli itong binuhay sa ilalim ni Gloria Arroyo na may pangalang ‘People’s Initiative’.
ANO ANG IDUDULOT NG CHACHA?
Pagbenta sa Pambansang Patrimonya, Pagtindi ng Kahirapan
Pangunahing layunin ng ChaCha ang walang habas na pagbenta ng ating ekonomiya, likas yaman, at pambansang patrimonya sa mga dayuhan. Ito ang mga probisyon na laman ng House Resolution #1 na ipinasa ni Speaker Belmonte. Ilan sa pahihintulutan ang mga sumusunod:
- Pag-aari ng mga dayuhan ng lupa at likas-yaman natin
- 100% pag-aari ng dayuhan sa mga lokal na kumpanya
- Pag-aari ng dayuhan sa mga public utilities tulad ng tubig at kuryente
- Pag-aari ng dayuhan sa mga paaralan, mass media, advertising, atbp.
Magiging ‘skwater sa sariling bayan’ ang maraming Pilipino kapag bumuhos ang mga dayuhang mamimili ng lupa. Titindi ang land grabbing, lalo na laban sa mga magsasaka at sa mga katutubo na kadalasan ay nakatira sa mga ancestral lands na may mineral deposits. Mas lalala ang land use conversion na pipinsala sa food security ng Pilipinas. Titindi ang pag-wasak sa kalikasan ng mga dayuhang mining, logging, at agricultural corporations.
Tuluyang malulugi ang mga lokal na industriya at mga empresa at kumpanya ng mga pambansang burgesya sa pagpasok ng mga dayuhang kapitalista. Marami ang mawawalan ng trabaho. Mas matindi ang pananamantala sa mga trabahong ipapalit na mula sa mga dayuhan.
Hihigpit ang kontrol ng mga dayuhan sa ating ekonomiya. Ang nararanasan natin sa industriya ng langis kung saan di tayo makapalag sa linggo-linggong oil price hike, na dulot ng monopolyo-kontrol ng dayuhan, ay mararanasan rin natin sa tubig, kuryente, atbp.
Katakot-takot rin ang magiging epekto ng dayuhang pag-aari sa mga paaralan. Sasahol ang komersyalisadong katangian ng sistema ng edukasyon, tulad ng pagtataas ng matrikula. Kasama ang dayuhang kontrol sa mass media at advertising, magiging mas matindi ang kontrol nila sa ating kultura at sa paghuhubog sa isipan ng mamamayan.
Bagama’t ito ang primaryang mga gustong baguhin sa Saligang Batas at nilalaman ng House Resolution #1, sa kasaysayan ng mga panukala para magkaroon ng ChaCha makikita na laging magsasama ng iba pang mga klaseng probisyon para sa iba’t-iba pang interes ng mga naghaharing uri.
Pagbabalik sa Batas Militar
Maaari rin alisin sa ChaCha ang mga limitasyon sa kapangyarihan ng Pangulo sa pagdeklara ng Batas Militar, isa sa mga pinaka-malaking pagkakaiba ng Konstitusyon ng 1987 sa mga nakaraang Saligang Batas.
Sa kasalukuyan, may kapangyarihan ang Korte Suprema, Senado, at Kongreso para bawiin o ibasura ang kahit anong deklarasyon ng Batas Militar. Isa ito sa mga maaaring tanggalin sa ChaCha. Maaari rin gawing mas madali ang pag-suspende sa ‘writ of habeas corpus’, o ang pagbabawal sa warrantless arrests, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng saklaw nito (ngayon ay limitado lamang siya sa mga kinasuhan ng krimen ng rebelyon) o palabnawin ang mga batayan para mag-suspende (ngayon ay limitado lamang sa aktwal na invasion o rebellion).
Malaking posibilidad rin sa ChaCha ang gawing ligal ang mga batas na tinututulan ng mamamayan dahil sa matinding pag-tapak nito sa ating mga karapatan, tulad ng Cybercrime Law.
Pagyurak sa Kalayaan, Pagbalik ng tropa ng Amerika
Tuluyan ng gagawing ligal ang panghihimasok ng mga sundalong Amerikano at iba pang dayuhang militar para pahigpitin ang kontrol nila sa ating bayan.
Maaaring alisin ang pagbabawal sa pagpasok ng mga armas nukleyar, o ang buong pagbabawal sa kahit sinong dayuhang sundalo. Magiging dulot nito ang pagbabalik sa salot ng U.S military bases sa ating bayan.
Term Extensions
Babaguhin rin ang panlabas na itsura ng gobyerno, mula sa tinatawag na sistemang presidensyal papuntang sistemang parlyamentaryo.
Imbes na ang botante ang naghahahalal sa pinuno ng bansa, ang tanging ihahalal nalang natin ay mga representante sa Parlyamento (na papalit sa parehong Kongreso at Senado), at sila naman ang pipili ng ating pinuno sa porma ng isang Punong Ministro.
Sa ganitong sistema, wala ng limitasyon sa termino ng pinuno ng Pilipinas. Gaano man siya kabulok at kinamumuhian ng sambayanan, maaari siyang manatili sa pwesto hanggat nakaupo ang mga kapartido niya at iba pang kakampi sa pulitika.
Gagamiting dahilan ang pagbago ng itsura ng gobyerno para pahabain ang termino ni Noynoy Aquino lampas 2016. Sasabihin na kailangan ng ‘transition government’ mula sa sistemang presidensyal tungong sistemang parlyamentaryo.
LABANAN ANG CHACHA NI AQUINO!
Ang Charter Change ay isang pakana ng imperyalistang U.S para patindihin ang kanilang pananamantala at pandarambong sa ating ekonomiya at pambansang patrimonya. Sa unang taon palang ni Aquino, todo-todo na ang pagtutulak ng U.S.
Pero napakalayo sa katotohanan ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng karaniwang tao: gagawin tayong skwater sa sariling bayan, todo-todo ang maidudulot na pagmamahal sa presyo ng mga bilihin at serbisyo, dayuhan lamang ang makikinabang sa ating likas yaman, at mababansot ang ating ekonomiya.
Kasama na rin sa buong pakete ang pagpapabalik ng U.S troops at bases sa Pilipinas, at ang pagpapadali ng pagdeklara ng Batas Militar para masupil ang mga kilusan at mamamayan na lumalaban sa kahirapan dulot ng dayuhang dominasyon.
Bilang pabuya kay Aquino at sa mga iba pang maaasahang papet ng U.S, kasama rin sa ChaCha ang pagpapatagal ng kanilang termino.
Dapat kumilos ang mga balangay at miyembro ng Anakbayan para ngayon pa lang ay ilantad ang tunay na balak at epekto ng ChaCha, at ihanda ang militanteng paglaban ng sambayanan kontra dito.
Leave comment if you have, LIKE and SHARE to let others vote this polls THANK!
Post a Comment Facebook Disqus