Siguro aware na kayo na dadating ang Pope sa Pilipinas lalo na po sa Visayas which is for the first time in History na mangyayari. Pero di pa nga dumadating ang Pope magulo na ang buong Leyte dahil sa mga pakingtao gawain ng atin pamahalaan.

Umaaray ang mga taga Palo Leyte dahil sa road wide-dinning na marami ang mawalan ng bahay na ka-aayos lang after masalanta ng bagyo Yolanda. At tinatawag nila ito ngayon Bagyong DPWH.

Marami din ang mawawasak na mga government infrastructure isa na ang Street na project ni Mayor Matin of Palo Leyte at ang Historical Library. Binibigyan ng 7days ang mga matataman ng road wide-dining kung hindi sila susunod sila ay haharap sa isang kaso", -ayon sa mga texter ng isang radio station sa Leyte

"Simula sa pag tulog hanggang naging pangarap na ako ay magkaroon ng sariling bahay, nagkaroon ako pero sinira ni Super Typhoon Yolanda at ako`y tumayo sa sariing kung paa para mapaayos lang ang tahanan na pangarap ko pero sisiralin lang pala ito ulit sa mas malupit pa na bagyo ang Bagyong DPWH", texter from one radio station in Leyte.

Kung Matagal ng Plano ang Road Wide-dining bakit di pinigilan ng DPWH ang mga nag tayo ng infrastructure  sa loob ng 10 meters na itinalaga ng DPWH. Pati ang Pathway sa Cathedral ng Palo ay masisira na ginastusan,pinaayos at pinaganda.

Ang ibang mga biktima ng yolanda parang ayaw na nila pumunta si Pope kung ganun ang mangyayari sa kanila mawawalan ng tahanan at ililipat para maitago ang kalagayan nila sa Pope.

Pati ang Historical Library sa Palo apektado na more than 200 years na itong nakatayo. Ito ay sisirain dahil daw nakapasok ito sa 10meters para sa national highway ng leyte, at ayon naman sa may ari na hindi nila ito papayagan sirain dahil may sentimental value at may-ibig sabihin kung bakit itinayo ang bahay na iyan.

Naging Paaralan at Head quarters ni Gen. McArthur nung world war II ang Public Library ng Palo at ayon sa may-ari itinayo iyan wala pang Highways, Sasakyan tulad ng mga motorcycle, Jeepney at etc. gagawin nila ang lahat ng Legal Action para hindi masira ang bahay na inalagaan for century ng kanilang mga Ancestor.
Next
This is the most recent post.
Previous
Older Post

Post a Comment Disqus

 
Top